Mga piyesa ng pagers na ginamit sa Lebanon blasts hindi galing sa Taiwan
Sinabi ng economy minister ng Taiwan, na ang components na ginamit sa libu-libong pagers na sumabog noong Martes sa Lebanon, na naging isang matinding dagok sa Hezbollah ay hindi gawa sa Taiwan.
Ayon sa Taiwan-based Gold Apollo, hindi sila ang gumawa ng mga device na ginamit sa pag-atake, at ang Budapest-based company na BAC kung saan na-trace ang mga pager ay may lisensiya na gamitin ang brand nito.
Hindi malinaw kung paano o kung kailan “na-weaponised” ang mga pager upang ang mga ito ay malayuang mapasabog.
Ito rin ang ginawa sa daan-daang hand-held radios na ginagamit ng Hezbollah na sumabog noong Miyerkoles sa second wave ng mga pag-atake. Ang dalawang insidente ay ikinamatay ng 37 katao at ikinasugat ng nasa 3,000 sa Lebanon.
Sinabi ng Economy Minister ng Taiwan na si Kuo Jyh-huei, “The components are (mainly) low-end IC (integrated circuits) and batteries.”
Nang pilitin siya tungkol sa kung ang mga piyesa ba ng pagers na sumabog ay gawa sa Taiwan, sinabi niya, “I can say with certainty they were not made in Taiwan, and the case is being investigated by judicial authorities.”
Sinabi ng security sources na ang Israel ang responsable sa pagsabog ng mga pager noong Martes, na maaaring magtindi pa sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng magkabilang panig.
Hindi naman direktang nagkomento ang Israel tungkol sa mga pag-atake.
Nang tanungin si Taiwanese Foreign Minister Lin Chia-lung, ay sumagot siya ng “hindi” nang tanungin kung nakipagkkta ba siya sa de facto Israeli ambassador upang ipahayag ang kaniyang ‘concern’ sa nangyari.
Aniya, “We are asking our missions abroad to raise their security awareness and will exchange relevant information with other countries.”
Habang sinisiyasat ng mga awtoridad ng Taiwan ang anumang potensyal na kaugnayan sa pagitan ng malawak nitong global tech supply chains at ng mga device na ginamit sa mga pag-atake sa Lebanon, ang presidente at tagapagtatag ng Gold Apollo na si Hsu Ching-kuang, ay kinuwestiyon ng mga taga-usig nitong Huwebes ng hatinggabi, pagkatapos ay pinalaya rin.
Ang isa pang indibidwal sa prosecutors office ay si Teresa Wu, ang nag-iisang empleyado ng isang kompanya na tinatawag na Apollo System, na hindi nagbigay ng pahayag sa mga reporter hanggang sa siya ay umalis.
Sinabi ni Hsu, na isang indibidwal na tinatawag na Teresa ang isa sa naging kontak niya para sa isang deal sa BAC.
Sinabi ng tagapagsalita ng Shilin District Prosecutors Office sa Taipei, na kinuwestiyon nito ang dalawang tao bilang mga saksi at binigyan ng pahintulot para sa paghahanap sa apat na lokasyon ng kanilang kumpanya sa Taiwan bilang bahagi ng imbestigasyon nito.
Ayon sa tagapagsalita, “We’ll seek to determine if there was any possible involvement of these Taiwanese companies as soon as possible, to ensure the safety of the country and its people.”
Nangako ang Iran-aligned Hezbollah na gaganti ito laban sa Israel, na hindi naman inangkin ang responsibilidad para sa pagpapasabog.
Ang dalawang panig ay nagkaroon ng cross-border warfare simula nang sumiklab ang giyera sa Gaza noong Oktubre.