Mga police community precint sa Camanava area, ininspeksyon ng NPD
Nagsagawa ng surprise inspection ang mga tauhan ng Northern Police district o NPD sa pangunguna ni Police Supt. Victor Dulliyao sa mga police community precint sa Camanava area.
Unang pintuntahan ng grupo ang PCP-4 sa Lapu-Lapu avenue sa Navotas kung saan doon inabutan na alertong nagbabantay naman at gising ang mga pulis.
Sunod namang pinuntahan ng mga pulis ay ang PCP-3 sa Naval Navotas kung saan maayos naman ang lahat na naabutan maliban sa isa na napunang bantay sa labas ng presinto na kung saan hindi agad nakilala ang paparating na sasakyan ng mga tauhan ng NPD.
Binisita rin ng mga tauhan ng NPD ang ilang mga checkpoints sa lugar at nasa maayos naman ang mga nakadeploy na uniformed personnel na nagsasagawa ng inspeskyon sa mga dumadaang sasakyan at motorsiklo.
Pintuntahan din ng grupo ang Malabon headquarters police kung saan sinuyod ang bawat opisina ng himpilan at naabutan namang nagtatrabaho ang mga pulis.
Matapos sa Navotas, nagtungo pa ang grupo sa mga pangunahing police community precint sa Valenzuela at Caloocan kung saan wala ring naabutang natutulog.
Ayon kay Dulliyao, layon ng surprise inspection ay upang masigurong alerto ang kada presinto ng Camanava area.
Matatandaang nagsagawa rin ng surprise inspection si NCRPO POlice director Oscar Albayalde sa mga pangunahing police precint kung saan nadiskubre at naaktuhan ang ilang mga pulis na natutulog.
Ulat ni Earlo Bringas