Mga presong napalaya dahil sa GCTA Law na mabibigong sumuko, ituturing na Fugitives of Justice- DOJ Sec Guevarra
Hinimok ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga presong maagang napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na kusang sumuko sa mga otoridad bago matapos ang 15 na palugit na binigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Guevarra na ituturing na Fugitives of Justice ang mabibigong sumuko.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ang mahalaga ay bumalik at mapunta sa kustodiya ng pamahalaan ang mga napalayang heinous crimes convict.
Pumunta lang anya ang mga ito sa pinakamalapit na police station at i-report na sila ay isa mga convicts na napalaya dahil sa GCTA Law.
Ang mga pulis naman anya ang mag-endorso sa kanila at makikipag-ugnayan sa Bureau of Corrections.
Maari ring dumiretso na sa Bucor, Bilibid o sa mismong kulungan ang mga napalayang bilanggo.
Ulat ni Moira Encina