Mga Priority bills ng Duterte administration tatangkaing ihabol ng Senado sa last 9 session days
Balik trabaho na ngayong araw ang Senado.
May siyam na araw na sesyon na lamang ang 17th congress bago ang sine die adjournment sa June 7.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto magpapatawag sila ng all member caucus mamaya para pag usapan ang mahahalagang panukalang batas na kailangang pagtibayin bago ang sine die.
Ilan sa mga panukalang nais ihabol ng Senado ang Human Security Act o Anti -Terrorist Act na layong mapaigting ang parusa at ang paghabol sa mga hinihinalang mga terrorista.
Maaaring ihabol rin ang amyenda sa Public Services Act na nakapasa na sa second reading at amyenda sa Juvenile Justice Law o pagpapababa sa edad ng mga kabataang maaring patawan ng parusa.
Ulat ni Meanne Corvera