Mga probisyon sa MOU para sa proteksyon ng mga OFW sa Kuwait, malabnaw at hindi sagot para sa kaligtasan ng mga Pinoy workers sa Kuwait- Cong. Bertis

Suportado ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertis ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin nang permanente ang Deployment ban sa Kuwait.

Aniya, mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait ang nagsasabing dapat nang itigil ang pagpapadala ng mga Domestic workers sa nasabing bansa.

Kinuwestyon din ni Bertis ang mga nagsusulong ng Memorandum of Understanding o MOU dahil sa katunayan ay malabnaw naman umano ang mga probisyong nakasaad doon at hindi aniya ito sagot para sa kaligtasan at proteksyon ng mga kababayan natin sa Kuwait.

“Why we are pushing for a MOU? Lahat naman halos ng nakasaad na probisyon sa MOU ay nasa Employment contract na rin. Mas matibay pa nga ang Employment contract kasi ay mga liabilities yan. Eh ang MOU, is it even legally binding? Mismong mga kasamahan natin at mga naligtas natin na nasa shelter ngayon na nasa halos 900 ang sumisigaw na itigil na ang pagpapadala ng mga domestic workers sa Kuwait”.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *