Mga problema sa pagbubukas ng klase sa ilalim ng blended learning system, kayang resolbahin ng Deped- Malakanyang
Tiwala ang Malakanyang na matutugunan ng Department of Education ang lulutang na mga problema sa sa blended learning system sa ilalim ng new normal dulot ng Covid-19 Pandemic.
Ito ang inihayag ng Malakanyang kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong October 5 kung saan 24 milyong estudyante ang magbabalik-eskwela sa pamamagitan No Face to Face blended learning system.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi pa perpekto ang sistema ng Deped dahil sa isyu ng flexible learning tulad ng modular, broadcast at online classes.
Ayon kay Roque patuloy na nanawagan ang Malakanyang sa Kongreso na bilisan ang pagpapatibay sa budget ng Deped para matugunan ang mga problema sa bagong educational system ng bansa.
Inihayag ni Roque hindi dapat na mabahala ang mga estudyante at mga magulang dahil ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para masiguro na magiging maayos ang takbo ng klase ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya ng Covid 19.
Statament Sec. Harry Roque:
“We are optimistic with the opening of classes in Public schools today October 5, as the Department of Education (DepEd) assures the parents and the students that they are ready for the opening of classes in this period of COVID-19 new normal. The system may not be perfect and there may be issues as we shift to flexible learning, which includes modular learning and supplemented by broadcast and online classes; but we are confident that DepEd would address these challenges. In this connection, we ask Congress to expedite the passing of DepEd’s budget, which includes support to these new learning approaches”.
Vic Somintac