Mga propesor at estudyante ng mga State Universities and Colleges, pinaghihinay-hinay ng Malakanyang sa pagsasalita laban sa gobyerno
Pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga estudyante at propesor sa mga State Universities and Colleges o SUCs na magdahan-dahan sa pambabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque bagaman mayroong karapatan samalayang pananalita ang bawat Pilipino hindi dapat kalimutan na ang mga guro sa mga SUCs ay empleyado pa rin ng gobyerno at sakop pa rin ng Civil service law.
Iginiit ni Roque na may kaakibat na pananagutan ang paglabag sa naturang batas.
Paliwanag ng kalihim na iba ang pagsabi lang na hindi ito sumasang-ayon sa mga polisiya at iba rin na himukin ang mga estudyante na gumalaw na nagreresulta sa cutting classes na isa umanong pagsasayang ng mga resources lalo na ngayong libre na ang tuition fee sa mga SUCs.
Binigyang diin ni Roque na nirerespeto ni Pangulong Duterte kung anuman ang mga pinaniniwalaan ng bawat mamamayan.
Pinayuhan naman ng tagapagsalita ng Pangulo ang lahat ng mag-aaral at propesor sa mga pampublikong unibersidad na patuloy na ipahayag ang kanilang karapatan pero igalang pa rin ang Civil service law.
Ulat ni Vic Somintac