Mga Pulis maaaring kasuhan ng Arbitrary arrest kung itutuloy ang kampanya laban sa tambay
Binalaan ni Senador Franklin Drilon ang mga pulis na mahaharap sa iba’t -ibang kaso kapag itinuloy ang pagpapadampot sa mga tambay sa mga lansangan.
Ayon kay Drilon kailangang may nagawang malinaw na krimen ang isang tambay bago isagawa ang pag -aresto.
Paalala ni Drilon hindi krimen ang vagrancy.
Kung ipipilit aniya ang ganitong operasyon maaring bweltahan ang mga pulis at kasuhan ng Arbitrary arrest.
Senador Drilon:
“Vagrancy is not a crime. I do not know on what basis the arrests are being made. There must be a crime committed. The PNP should know that and they can be liable for arbitrary arrest if they violate the law”.
Ayon naman kay Senador Grace Poe, naiintindihan niya ang layunin ng gobyerno na walisin ang lansangan laban sa mga kriminal pero kailangang magin maingat ang PNP sa posibleng paglabag sa karapatang pantao.
Dapat aniyang isailalim muna sa orientation ang mga tauhan ng PNP para matiyak na hindi gagawa ng anumang aabuso.
Senador Poe:
“Dapat munang bigyan ng oryentasyon ng Philippine National Police ang mga alagad nito kung paano dapat tratuhin ang mga sinasabing tambay na may konsiderasyon sa mga karapatan nito na malay sa pinakamataas na antas ng pagtitimpi na inaasahan mula sa mga awtoridad”.
Ulat ni Meanne Corvera