Mga pulis – Valenzuela na nahuling nangongotong sa mga junk shop, kinasuhan na ng DOJ sa Korte

Sinampahan na ng DOJ sa Valenzuela court ng kasong robbery ang tatlong pulis sa Valenzuela City at isang sibilyan na nahuling nangongotong sa mga junk shop.

Sa resolusyon ni Assistant State Prosecutor Loverhette Jeffrey Villordon, nakitaan ng sapat na batayan para kasuhan ng robbery sina
SPO4 Serafin Adante na Deputy Commander ng Valenzuela City Police Community Precinct 8, PO1 Ryand Paul Antimaro, PO1 Rey Harvey Florano at ang sibilyan na si Amado Baldong Jr.

Ang apat ay nahuli sa ikinasang entrapment operation ng PNP Counter-Intelligence Task Force batay sa reklamo ng isang may-ari ng junk shop na gabi-gabi silang iniikutan ng mga pulis para kulektahan ng 200 hanggang 500 piso.

Samantala, inirekomenda ng piskal ang pagpapatuloy na imbestigasyon kay
PCP 8 Commander Adonis Paul Escamillan na hindi kasama sa nahuli sa operasyon ng CITF pero dawit sa reklamong robbery dahil sa command responsibility.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *