Mga pulitikong hindi nakatugon sa panuntunan ng pangangampanya, pinababaklas ang kanilang mga posters at tarpaulin
Isang araw bago ang simula ng kampanya para sa mga kandidato sa pagka-Senador at Partylist groups, nanawagan ang Commision on Elections (Comelec) sa mga pulitiko na baklasin na ang kanilang mga posters at tarpaulin na hindi nakatugon sa mga panuntunan sa pangangampanya.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, nakasaad sa Comelec Resolution 10488 at Republic Act 9006 ang ukol sa mga political advertisment.
Batay sa panuntunan, ang sukat ng mga tarpaulin o poster ay 2 feet by 3 feet lamang.
Kailangan rin ay nakalagay ito sa mga common poster areas at hindi sa mga pampublikong lugar o private properties na walang permiso mula sa may-ari.
Sinabi ng Comelec na sinulatan na nila ang ilang mga kandidato at partido na ibaba ang mga malalaking tarpaulin .
Babala ng comelec, ang sinumang kandidato o partido na lalabag maaring makasuhan ng election offense.
Maglulunsad na rin aniya sila ng Baklas poster campaign laban sa mga kandidatong hindi susunod sa panuntunan.
Bukod sa mga campaign materials kasama aniya sa mahigpit na imomonitor ngayon ng ng comelec ang paggamt ng social media ng mga kandidato.
Ulat ni Meanne Corvera