Mga pulitikong nasa Narco-list, nagsasadya sa Malakanyang para makausap si Pangulong Duterte
Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtutungo sa Malakanyang ang mga pulitikong nasa Narcolist ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nais ng mga pulitikong nasa narcolist na makausap ng personal ang Pangulo.
Aniya, wala sa kamay ng Malakanyang ang desisyon kung aalisin sa narcolist ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.
Inihayag ni Roque ang may karapatan na maglinis sa pangalan ng mga narco politicians ay ang Philippine Drug enforcement agency o PDEA.
Binigyang-diin ni Roque na hindi rin garantiya na maaalis sa narcolist ang isang pulitiko kung sasapi sa ruling party na PDP Laban.
Nilinaw ni Roque na ang tatlong mayor ng Iloilo na umanib sa PDP-Laban ay nauna nang na-clear ng PDEA ang kanilang pangalan sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===