Mga pumasa sa 2017 Bar exams, umaabot sa 1,724; Mga Bar examinees nakaantabay na sa labas ng Supreme Court para sa paglalabas ng resulta ng pagsusulit

Kabuuang 1,724 ang pumasa sa 2017 bar examinations.

Katumbas ito ng passing rate na 25.55 percent.

Ayon sa sources mula sa Supreme Court, ang top 1 sa Bar Exams ay may gradong 91.05 % habang ang nasa ika-10 pwesto ay nakakuha ng 88.4 %.

Nakatakdang ilabas ng Korte Suprema mamayang ala-una ng hapon ang pangalan ng mga Bar passers.

Nakapuwesto na sa Supreme Court quadrangle ang big screen kung saan ipapakita ang pangalan ng mga nakapasa.

Maaga pa lang ay nagtungo na rin sa labas ng Korte Suprema ang mga bar examinees kasama ang kanilang mga kaanak at kaibigan para antabayan ang resulta ng pagsusulit.

 



Si Associate Justice Lucas Bersamin, chairman ng 2017 Bar Exams, ang mag-aanunsyo ng resulta.

Nasa 6,759 lamang ang nakakumpleto ng pagsusulit mula sa mahigit 7,000 Law graduates na pinayagang makakuha ng bar exam.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *