Mga pumasa sa 2020 Physician Licensure Examination kasama ang anak ni VP Robredo, binati ng Malacañang
Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mga bagong doktor na pumasa sa 2020 Physician Licensure Examination na ibinigay ng Professional Regulation Commission.
Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa Lucena City sinabi nito na malaking tulong ang maiaambag ng mga bagong medical doctors sa laban ng bansa sa pandemya ng COVID- 19.
Ayon kay Roque, ipinaaabot ng Duterte administration ang pagbati sa 3,538 na mga bagong doktor kasama ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Trisha Robredo.
Ang 2020 Physician Licensure Examination ay pinangunahan ng board topnocher na si Jomel Garcia Lapides ng University of the Philippines Manila na may general average score na 88.67 percent.
Vic Somintac