Mga puslit na sigarilyo, nasabat sa North Cotabato
Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya na nagmamando sa isang checkpoint, ang halos PHP900,000 halaga ng mga puslita na sigarilyo na isinilid sa loob ng polystyrene boxes sa Barangay Bagolibas sa North Cotabatp.
Banggit ang mga ulat mula sa North Cotabato police office, sinabi ni Region-12 police director Brig. Gen. Alexander Tagum, na PHP890,000 halaga ng smuggled cigarettes ang natagpuan sa loob ng isang closed van-type fish delivery truck na dumaan sa lugar.
Ayon kay Tagum . . . “Three men, all occupants of the delivery truck, were arrested in the same incident shortly before dusk Sunday.”
Nadiskubre rin sa pag-iingat ng nga ito ang isang hindi lisensiyadong .45-caliber pistol.
Tinukoy ni Tagum ang mga naaresto na sina Mark Barte Villarin, 37; kapatid nitong si Gerald, 21; at Abdulhaber Maladia Mohammad, 20, na pawang taga Zamboanga City.
Aniya, nabigo ang mga suspek na magpakita ng legal na mga dokumento para sa pagbiyahe sa mga nabanggit na sigarilyo at para sa baril.