Mga rehistradong dayuhan sa bansa, pinagrereport ng Bureau of Immigration sa mga tanggapan nito mula Enero hanggang Marso 2019
Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang rehistradong dayuhan sa bansa na magreport sa kanilang mga tanggapan simula Enero hanggang Marso 2019.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, obligado ang mga banyagang nakarehistro sa kawanihan na magreport sa pinakamalapit na field, satellite or extension office ng BI sa unang 60 araw ng bawat calendar year.
Ito ay batay anya sa nakasaad sa 1950 Alien Registration Act.
Ang mga mabibigong magpakita sa BI sa itinakdang petsa ay maari anyang pagmultahin o kanselahin ang kanilang Alien registration certificate.
Ang BI-registered aliens ay ang mga resident foreign nationals na nabigyan ng immigrant o non-immigrant visas at mga napagkalooban ng alien certificate of registration identity card o ACR I-Card.
Kailangan ng dayuhan na mag-presenta ng orihinal nitong ACR I-Card, valid passport at magbayad ng 300 pesos annual report fee at 10 pesos legal research fee.
Exempted sa personal appearance ang mga senior citizen at ang mga edad 14 taong gulang.
Umapela din si Atty. Jose Carlitos Licas,hepe ng BI Alien Registration Divison sa mga registered foreigners na iwasan ang last minute na pagtungo sa kanilang tanggapan.
Ulat ni Moira Encina