Mga reklamo laban kay Health Sec. Francisco Duque III at ibang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma kaugnay sa dengvaxia , ibinasura ng DOJ
Inabswelto ng DOJ panel of prosecutors si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa unang batch ng reklamo sa Dengvaxia.
Partikular na ibinasura ng DOJ ang reklamong reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa Anti-Torture law at obstruction of justice laban kay Duque.
Inirekomenda rin ng panel na ibasura ang mga kaparehong reklamo laban kay dating DOH OIC Dr Herminigildo Valle at kina Pearl Grace Cabali at Maria Ester Vanguardia-De Antoni ng Sanofi Pasteur.
Dismissed din ang mga reklamo laban sa 15 opisyal at direktor ng Zuellig Pharma.
Samantala, sinabi ng DOJ panel na maaring maharap sa anim na taong pagkakakulong sina dating Health Secretary Janette Garin at 19 na ibang inirekomendang kasuhan kapag nahatulang guilty ng hukuman sa reckless imprudence resulting in homicide.
Ulat ni Moira Encina