Mga reklamong graft laban kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay sa coco levy fund, ibinasura ng SC
Absuwelto sa mga reklamong graft sina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at apat na iba pa kaugnay sa coco levy fund ruling noong 1983.
Sa 53- pahinang desisyon ng Supreme Court First Division, ipinagutos ang dismissal sa mga reklamo laban kina Enrile at iba pang dating United Coconut Planters Bank Board of Directors dahil sa nalabag ang kanilang karapatan sa speedy disposition of case.
Ayon sa SC, nabigo ang gobyerno na petitioner na ma-justify ang delay sa pagtapos ng preliminary investigation sa mga complaint laban sa respondents.
Paliwanag pa ng SC, lagpas na sa specified period ang pagdinig ng Office of the Ombudsman sa reklamo dahil Pebrero 1990 inihain ang complaint laban pero natapos lang ang imbestigasyon noong October 1998.
Bukod sa kaso kina Enrile, dismissed na rin ang reklamo laban kina Eduardo Cojuangco Jr. at tatlong iba pa dahil ang mga ito ay pumanaw na.
Ang kaso ay nag-ugat sa sinasabing pagpayag nina Enrile bilang UCPB Board of Directors na magpaso nang pinal ang arbitral decision noong 1983 na pumabor sa kumpanya ni Cojuangco na nagdulot para umano mailipat ang nasa P840 million na pondo sa negosyante.
Moira Encina