Mga relief items sinimulan nang ihatid ng DSWD sa mga typhoon- prone areas sa bansa
Ipinagutos ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang prepositioning ng mga relief packs sa mga lugar na madalas na tamaan ng bagyo.
Ito ang inihayag ni Tulfo sa kaniyang pag-inspeksyon sa National Resource Operations Center ng DSWD sa Pasay City.
Inalam ni Tulfo kung sa kanyang pagbisita sa warehouse kung may sapat na suplay ng mga food packs at iba pang ayuda tuwing may kalamidad.
Ayon kay Tulfo, sinimulang ibaba ang mga food packs alinsunod na rin sa nais ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na maging handa ang gobyerno bago pa man dumating ang mga sakuna.
Sa National Resource Operations Center sa Pasay, inihahanda ang mga food packs at iba pang relief items na inihahatid sa mga lugar sa Luzon.
Sinabi ng kalihim na kayang makapag-produce ng NROC ng 20,000 food packs kada araw o 200, 000 relief packs sa loob ng 10 araw.
Hinimok naman ni Tulfo ang mga LGUs na agad na ipamahagi ang mga relief items at huwag matakot na hindi sila muli mabibigyan dahil tuluy-tuloy ang produksiyon ng DSWD ng relief goods.
Samantala, binisita rin ni Tulfo ang mga biktima ng sunog sa Gagalangin, Tondo.
Tinatayang 50 pamilya aniya ang naapektuhan ng sunog sa lugar noong Martes ng gabi.
Binigyan ng DSWD ang bawat pamilyang nasunugan ng Php10,000 cash.
Bukod dito ay tumanggap din sila ng mga food packs mula sa kagawaran.
Moira Encina