Mga reporma sa bar exams, ikinukonsidera ng Korte Suprema
Pinag-aaralan ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng ilang pagbabago sa pagsasagawa ng bar examinations.
Ito ang inihayag ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando sa kanyang talumpati sa mga bar passers ng PUP College of Law.
Isa sa mga reporma na ito ay pagiging permanente na ng digitized na bar exams bilang paghahanda ng Korte Suprema sa digital shift sa pagdaraos ng pagsusulit.
Sinabi rin ni Hernando na tinatalakay na rin ng SC ang posibleng pagrebisa sa Rules of Court ukol sa practice ng abogasiya at mga panuntunan sa admission sa bar.
Ilan pa aniya sa mga planong reporma sa pagsusulit ay ang pagsasagawa nito sa loob ng tatlong araw, pag-reconfigure aa Bar subject weight at mas maikling panahon sa pagitan ng law school graduation at bar exam schedule.
Una nang pinalawig ng SC ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa bar exams ngayong taon hanggang August 15.
Moira Encina