Binga-Ambuklao dam, muling nagpakawala ng tubig; Mga residente, pinag-iingat

Muling nagpakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga dam.

Ayon sa Pag-Asa Hydro-Meteorology division, Flood Forecasting and Warning section, nasa 0.3 meters ang ipinakawalang tubig dahil sa naobserbahang isolated light rains sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa latest forecast, inaasahang magpapatuloy pa sa susunod na 24 oras ang kalat-kalat na pag-ulan sanhi ng bagyong Siony.

Nasa 751.26 meters ang antas ng tubig sa Ambuklao ngayong araw.

Samantala, nasa 0.5 meters naman ang pinakawalang tubig sa Binga dam.

Hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga, naitala ang antas ng tubig sa Binga sa 574.24 meters.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga Barangay ng Dalupirip at Tinongdan sa Itogon Benguet.

Inaabisuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) na manatiling nakaalerto at gawin ang ibayong paghahanda.

============

Please follow and like us: