Mga residente ng Gaza nagsibalikan na pagkatapos ng hostage breakthrough

Aerial view of Palestinians making their way back to their homes in northern Gaza. /Ramadan Abed/Reuters

Libu-libong Palestinians ang naglakad sa kahabaan ng main roads patungo sa northern Gaza, puspos ng saya na makauuwi na sila makaraan ang ilang buwang paninirahan sa temporary shelter, subalit nangangamba sa maaaring naging sitwasyon ng kanilang mga tahanan.

Ang kanilang pagbabalik, na naantala nitong weekend, ay natuloy din matapos na pumayag ang Hamas na palayain ang tatlong Israeli hostages sa huling bahagi ng linggong ito at ang pagsisimula nang pag-withdraw ng Israeli forces mula sa isang main corridor, sa ilalim ng mga termino ng isang kasunduan ng tigil-putukan sa 15-buwan nang giyera.

A drone view shows Palestinians, who were displaced to the south at Israel’s order during the war, making their way back to their homes in northern Gaza, amid a ceasefire between Israel and Hamas, in the central Gaza Strip. Picture: REUTERS/Mohammed Salem

Sinabi ng isang Palestinian mother na si Umm Mohammed Ali, “It’s like I was born again and we were victorious again.”

Ayon sa mga nakasaksi ang unang mga residente ay dumating sa Gaza City matapos mabuksan ang unang crossing point sa central Gaza bandang alas-7:00 ng umaga (0500 GMT). Isa pang crossing ang binuksan din makalipas ang tatlong oras, upang makapasok naman ang mga sasakyan.

Sinabi ng 50-anyos na si Osama, isang public servant na may limang anak, “My heart is beating. I thought I would never come back. Whether the ceasefire succeeds or not, we will never leave Gaza City and the north again, even if Israel would sent a tank for each one of us. No more displacement.”

Makaraang paulit-ulit na ma-displace sa loob ng mahigit 15 buwan nang labanan, sumabog ang pagbubunyi sa mga shelter at tent encampments nang marinig ng mga pamilya ang balita na bubuksan na ang crossings.

Ayon kay Ghada na may limang anak, “No sleep, I have everything packed and ready to go with the first light of day. At least we are going back home, now I can say war is over and I hope it will stay calm.”

Humigit-kumulang 650,000 Palestinians ang na-displace mula sa northern Gaza sa panahon ng giyera, na udyok ng Oct. 7, 2023 assault ng Hamas sa southern Israel na ikinamatay ng 1,200 at 251 naman ang binihag, ayon sa tally ng Israel. Mahigit naman sa 47,000 Palestinians ang namatay mula noon sa mga pag-atake ng Israel sa Gaza, ayon sa Gaza health ministry

Palestinians, who were displaced to the south at Israel’s order during the war, wait to head back to their homes in northern Gaza by vehicle through Salahudeen Road, amid a ceasefire between Israel and Hamas, in the central Gaza Strip, January 27, 2025 / REUTERS/Hatem Khaled

Sinabi ng Hamas authorities ng Gaza, na mahigit sa 300,000 na ang tumawid patungo sa Gaza City at sa north edge ng enclave.

Karamihan sa mga na-displace ay kinailangang lumipat ng makailang ulit, dahil pagkatapos italaga ng Israel ang ilang bahagi ng Gaza bilang humanitarian zones ay paaalisin din sila bago magsagawa ng mga pambobomba at ground operations.

Malaking bahagi ng Gaza ay gumuho na. Sinabi ng Hamas-run Gaza government media office na ang mga nagsibalikan sa hilaga ay kailangan ng hindi bababa sa 135,000 tents at shelters, habang sinusubukang muling ma-establish ang kanilang mga buhay sa gitna ng mga guho.

Sa ilalim ng mga termino ng ceasefire agreement, ang mga residente ng northern Gaza ay nitong weekend pa dapat nakabalik. Ngunit sinabi ng Israel na sinira ng Hamas ang kasunduan nang mabigo itong palayain ang civilian female hostage na si Arbel Yehud at namalagi rin ang kanilang mga puwersa sa Netzarim corridor.

Noong Linggo, niresolba ng Qatari mediators ang hidwaan at napapayag ang Hamas na palayain si Yehud, kasama ng babaeng sundalo na si Agam Berger at isa pang bihag sa Huwebes, dalawang araw bago ang susunod na nakatakdang pagpapalaya sa tatlo pang hostages sa Sabado. Kasunod nito ay ibinigay na ng Israel ang go signal upang makabalik na sa northern Gaza ang mga residente nitong Lunes ng umaga.

Nito ring Lunes, ay ipinakita ng armed wing ng Islamic Jihad group, isang kaalyado ng Hamas, ang isang video na nagpapakitang buhay si Yehud.

Nagbigay din ang Hamas ng isang listahan ng lahat ng mga bihag na palalayain sa unang anim na linggo ng ceasefire agreement, banggit ang kanilang mga kondisyon.

Palestinians, who were displaced to the south at Israel’s order during the war, make their way back to their homes in northern Gaza, amid a ceasefire between Israel and Hamas, in Gaza City, Jan 27, 2025. REUTERS/Mahmoud Issa

Noon ding Lunes, isang opisyal ng Hamas ang nagsabi sa Reuters, na ibinigay ng grupo sa mediators ang isang talaan na nagpapakita na 25 sa 33 hostages ay nakatakdang palayain sa unang phase ay buhay. Sa bilang na 25 ay kasama ang pitong bihag na napalaya na simula nang mag-umpisa ang tigil-putukan noong January 19.

Kinumpirma ng Israel na ang bilang ng Hamas sa listahan, o ang 25 ay buhay ngunit walo rito ang pinatay ng Hamas, ayon sa isang Israeli government spokesman.

Ang pagkakakilanlan sa mga namatay at kung sino ang buhay ay hindi pa agad makumpirma, sanhi upang sa kabila ng pag-asa ay mangamba pa rin ang pamilya ng mga ito.

Una nang sinabi ng mga awtoridad ng Israel, na may labis na pangamba tungkol sa buhay ni Shiri Bibas at ng dalawa niyang anak na lalaki, edad apat at sampu, nang sila ay dukutin mula sa Kibbutz Nir Oz.

Sinabi ng kaniyang hipag na si Ofri Bibas, na lubhang masakit para sa pamilya ang nakalipas na ilang linggo. Ang asawa ni Shiri na si Yarden Bibas, ay bihag din sa Gaza ngunit hiwalay itong kinuha mula sa kaniyang pamilya.

Sa kaniyang pahayag sa Public Broscaster ng Israel na Kan, ay sinabi ni Ofri, “We are waiting, amid a sea of rumors. “We have no certainty and we are still clutching on to hope, hoping to see them here, together with Yarden.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *