Mga residente ng Lanao del Sur, nasa mga evacuation center pa rin

Nananatili pa rin sa evacuation center ang mga residente sa bayan ng Wao, Lungsod ng Lanao del Sur, dahil sa takot na magkaroon pa ng susunod na pagyanig.

Ito’y matapos umabot na sa 60 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Wao simula noong Miyerkules.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa nasabing bilang, 14 ang naramdaman ng alas-5:20 ng madaling araw ng Abril 12, matapos yanigin ng intensity 6 na lindol ang Wao.

Pagsapit naman ng alas-1:01 ng hapon, naitala ang magnitude 4.6 sa layong 11 kilometro sa hilagang-kanluran ng Wao.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa layo na 13 kilometro sa hilagang-kanluran ng Wao, Lanao del Sur.

Nasundan ito ng magnitude 5.3 na lindol sa layong walong kilometro sa hilagang-kanluran ng Wao, ganap na alas-4:01 ng madaling araw kahapon.

Samantala, may nakitang crack na may habang apat na inches sa Barangay Panang at nasira rin ang dalawang mosque.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *