Mga residente ng Metro Manila south area, nakinabang din sa Lingap laban sa Kahirapan ng Iglesia ni Cristo

Aabot sa halos 2,000 katao ang dumalo sa isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo mula sa Metro Manila South area.

Matapos ang Evangelical mission at video presentation, namahagi na ng mga Goody bags na naglalaman ng bigas, canned goods at noodles ang INC sa mga naimbitahang panauhin.

 Bukod sa Evangelical mission, naging tampok din sa aktibidad ang Medical at Dental mission kasama ang pamamahagi ng mga gamot.

Sa kabuuan naging maayos at mapayapa ang isinagawang aktibidad sa tulong din ng Local Goverment units.

Ang lingap laban sa kahirapan ay isa sa proyekto ng INC na layong makatulong sa mahihirap nating mga kababayan mula sa iba’t ibang sulok ng bansa at maging sa ibang panig ng mundo.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *