Mga residente sa baranggay bagong silangan nagsimula nang magsibalikan sa kanilang tahanan
Nagsimula nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang may mahigit limandaang pamilyang inilikas sa Baranggay Bagong Silangan sa Quezon city sa kasagsagan ng bagyong Karding kagabi.
Pinaka apektado sa kanila ang may tatlong daang pamilya na nakatira sa malapit sa gilid ng tumana na siyang kumukonekta sa Marikina river.
Ayon sa mga residente, sa kasagsagan ng pag- ulan kagabi umabot sa hanggang dibdib ang tubig baha.
Mabilis naman raw silang nakalikas kaya walang naitalang casualties.
Sa ngayon nagsimula na silang maglinis ng mga putik at basura na iniwan ng tubig baha.
Kanina nakatanggap na rin sila ng tulong mula sa Quezon city government tulad ng bigas at ilang delata.
May mga NGO rin na nagbibigay ng mga lutong pagkain gaya ng sopas at lugaw.
Meanne Corvera