Mga residente sa isang siyudad sa Canada pinalikas dahil sa papalapit na wildfire
Libu-libong mga residente ng Fort McMurray, isang lungsod sa pangunahing oil-producing region ng Canada, ang lumikas dahil papalapit na ang isang ‘out-of-control’ wildfire at binalot na ng makapal na usok ang papawirin.
Ang pabagu-bagong hangin na umiihip ng 40 kilometro bawat oras (25 milya bawat oras) ang nagpaliyab sa apoy na tumupok sa 9,600 ektarya ng mga nakapaligid na kagubatan, habang umaabante ng 13 kilometro papunta sa lungsod sa kanlurang lalawigan ng Alberta, na nasunog na rin noong 2016, at isa sa pinakamalaking sakuna sa kasaysayan ng bansa.
Apat na komunidad ang inatasang lumikas, habang nagkaroon naman ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa isang highway sa timog na napuno ng mga kotse at trak.
Sinabi ng isang residente na si Ashley Russell, “I’m experiencing a lot of anxiety. In 2016, my place burned down, so I’m reliving that.”
TOPSHOT – This aerial handout picture courtesy of the Alberta Wildfire Service, taken May 10, 2024, shows smoke from wildfires burning in the Grande prairie forest area, 4 kilometers east of the town of Teepee Creek, in Alberta, Canada. (Photo by Handout / Alberta Wildfire Service / AFP)
Ayon naman kay Alberta Wildfire spokesperson Josee St-Onge, “We’re seeing extreme fire behavior. Smoke columns are developing and the skies are covered in smoke. Firefighters have been pulled from the fire line for safety reasons.”
Sinabi ng mga opisyal na ang sunog ay mabilis na kumalat sa maraming direksiyon simula pa nitong Lunes.
Gayunman, tiniyak ni regional fire chief Jody Butz sa mga residente na nakahanda ang crew, dahil nagtayo na sila ng mga barrier noong winter, at naghuhulog na rin ang mga water bomber ng retardant upang mapabagal ang pag-abante ng sunog.
Ayon kay St-Onge, “We are confident that we have the resources to defend these areas, but we need people out of harm’s way.”
Noong 2016, ang buong siyudad na may populasyon na mahigit sa 90,000 ang inilikas, habang natigil naman ang produksiyon ng isang milyong bariles ng langis kada araw, na halos 1/3 ng kabuuang output ng Canada ng mga panahong iyon.
This handout image courtesy of Kosar shows smoke and flames from the fire in Fort McMurray on May 14, 2024 as residents from the area of Abasand Heights evacuate the area. Evacuations have been ordered in oil-producing Fort McMurray, Alberta on May 14. Authorities have been bracing for another possibly devastating wildfire season, after Canada’s worst ever last year that saw flames burning from coast to coast and charring more than 15 million hectares (37 million acres) of land. (Photo by KOSAR / @superkosar Twitter account / AFP)
Ang Canada ang ika-apat na pinakamalaking producer sa buong mundo, at nangungunang exporter ng krudo sa Estados Unidos.
Mahigit sa 2,500 mga bahay at business establishment ang natupok, kung saan ang pinsala ay tinatayang mahigit sa 3.7 billion Canadian dollars. Libu-libong mga residente ang hindi na bumalik sa siyudad.
Samantala, pinaghahandaan na ng mga awtoridad ang isa pang posibilidad ng mapaminsalang wildfire season, pagkatapos ng pinakamalalang naranasan ng Canada noong isang taon, kung saan mahigit sa 15 milyong ektarya ng lupain ang nasunog.
Sa British Columbia, libu-libong mga residente sa liblib na mga bayan ang nananatiling nasa evacuation orders, habang sinuspinde naman ng CN railway ang rail service ngayong Martes sa pagitan ng Fort St. John at Fort Nelson, at sa hilaga ng High Level sa Alberta “dahil sa wildfire activity.”
Sinabi ni Rob Fraser, alkalde ng Nelson, “It’s cool, it’s overcast and the wind is just very slight. If everything continues like this, you know, we just might corral this beast.”
Samantala, ipinalabas naman ang air quality warnings sa magkabilang panig ng Canada at United States, dahil ang usok mula sa Canadian wildfires ay umabot na hanggang sa timog at tinatangay sa estado ng Oklahoma sa Estados Unidos at sa lalawigan ng Quebec sa silangan.