Mga residente sa Russian border tumakas, apat patay sa pagpapaulan ng bala
Sinabi ng isang lokal na opisyal, na apat na sibilyan ang namatay sa pamamaril sa Belgorod region ng Russia sa hangganan ng Ukraine, habang anim na araw nang magkakasunod na inaatake ng mga puwersa ng Moscow ang Kyiv.
Sa nakalipas na ilang araw, libu-libong mga residente ang lumikas malapit sa southwestern border ng Russia, nang tumindi ang pagpapaulan ng mga bala.
Ang mga residente mula sa bayan ng Shebekino, na siyang pinakamatinding tinamaan ay humugos sa main city ng rehiyon na tinatawag ding Belgorod.
Sinabi ni Belgorod governor Vyacheslav Gladkov na 2,500 katao ang tinanggap nila sa mga pansamantalang kanlungan, kabilang na sa sports arena.
Aniya, “We have never had a situation like this, the conditions at the arena were becoming ‘cramped’ and displaced people were being moved to other spots.”
Ayon sa alkalde ng Belgorod na si Valentin Demidov, may kabuuang 5,000 katao ang nagtungo sa mga pansamantalang tirahan at nagparehistro nitong mga nakaraang araw, pagkatapos ay marami na sa kanila ang nakituloy sa mga kamag-anak.
Sinabi ni Deminov, “We are trying to re-settle people as quickly as possible.”
Nauna rito, sinabi ng regional governor na dalawang babae ang namatay dahil sa pamamaril.
Aniya, “Shrapnel hit cars passing by. Two women travelling in one of them died on the spot from their wounds.”
Kalaunan ay sinabi niya na dalawa pang sibilyan ang namatay sa isang rocket attack sa village ng Sobolevka, habang higit sa 20 iba pa, kabilang ang mga bata, ang nasaktan.
Noong Huwebes, sinabi ng Russian defense ministry na gumamit ang mga sundalo ng mga jet at artillery upang pigilan ang isang pagtatangka ng mga taga Ukraine, na “lusubin” ang rehiyon ng Belgorod.
Sa kaniyang Telegram post ay sinabi ng capital city administration chief na si Sergiy Popko, “In the last six days, (Russians) have already carried out six attacks on the city of Kyiv!”
Ayon naman sa Ukrainian officials, namatay din sa pagpapaulan ng bala ng mga Russian ang dalawang babae at nakasugat sa apat na iba pa, sa southern region ng Zaporizhzhia.
Isang lokal na opisyal naman ang nagsabing sa southern region ng Kherson, ay dalawang bata ang nasaktan nang magkaroon ng pagsabog sa isang palaruan.
Kasunod ng panibagong trahedya, ipinag-utos ni Ukrainian president Volodymyr Zelensky na lahat ng shelters sa Kyiv ay dapat na inspeksiyunin.