Mga residente sa southern US, pinalikas dahil sa papalapit na malakas na bagyo
Pinakilos na ang US national guard at inilikas naman ang mga residente sa Louisiana coast, dahil nagbabantang magdulot ng storm surge at flash flood ang papalapit na malakas na bagyo.
Una nang nanalasa ang hurricane Delta sa western Gulf of Mexico, kung saan maraming mga puno at linya ng kuryente ang nasira, at nagbabanta ring manalasa sa mga lugar sa US seaboard, na matindi ring tinamanaan ng malaks an bagyo ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.
Ayon sa US National Hurricane Center (NHC), ang Hurricane Delta na taglay na lakas ng hangin na aabot sa 120 miles per hour, ay inaasahang tatama sa kalupaan mamayang gabi.
Dagdag pa ng NHC, nasa Category 3 storm na ang Hurricane Delta, nangangahulugan na posible itong magdulot ng mga pinsala.
Nagbabala rin ito na inaasahan ang mapanganib na storm surge sa kahabaan ng northern Gulf Coast, na inaasahang aabot sa 11 talampakan o tatlong metro.
Ang Louisiana coastline ay halos hindi pa nakababawi mula sa Hurricane Laura, na nanalasa noong katapusan ng Agosto.
Agence France-Presse