Mga residenteng malapit sa Montalban River inabisuhang maghanda sa posibleng paglikas
Patuloy na minomonitor ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Rodriguez, Rizal ang lebel ng tubig sa Montalban River dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng bagyong Paeng.
Ang Montalban River ay konektado sa Marikina River na madalas tumataas ang tubig kapag bumubuhos ang malakas na ulan.
Partikular na tinututukan ng MDRRMO ang Phase 1-B ng Kasiglahan Village sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal na katabi mismo ng Montalban River.
Ang Kasiglahan Village ang pinaka apektadong lugar sa Rodriguez, Rizal noong manalasa ang bagyong Ondoy dahil lumubog sa tubig baha ang buong komunidad matapos umapaw ang Montalban River.
Vic Somintac