Mga residenteng tatamaan ng Bagyong Maring inalerto ng Malakanyang
Inabisuhan na ng Malakanyang ang mga residenteng tatamaan ng Bagyong Maring na sumunod sa mga advisory ng National at Local Disaster Risk Reduction Management Council.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pananalasa ng Bagyong Maring at ang malakas na ulan na dala nito kaya idineklara ng Malakanyang na suspendihin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region, CALABARZON at Region 3.
Ayon kay Abella inatasan na rin ng Malakanyang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng NDRRMC at DSWD para sa pre-positioning ng mga evacuation center, relief operation at search and rescue team sa mga lugar na mapipinsala ng kalamidad.
Inihayag ni Abella na nakamonitor si Pangulong Duterte sa mga development kaugnay ng pag-landfall ng bagyong Maring.
Ulat ni: Vic Somintac