Mga ‘resilient jobs’, inilatag ng DOLE
Inilahad ng Department of Labor and Employment ( DOLE ) ang ilang industriya at trabaho na malaking maitutulong ngayon sa gitna ng pandemya na pinangungunahan ng mga healthworker, call center agents at delivery services.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, resilient jobs ang mga ito dahil malaki ang maitutulong nito sa pamamumuhay ng mga Pilipino.
Ilan sa mga ito na patok sa industriya ay ang health care, logistic, information technology, business process management, education at construction.
Sa ilalim naman ng health care and wellness sector ay ang mga doctor, nurses, medical at radiologic technologist, pharmacists, psychologist, medical researchers, writers at wellness trainers.
Mayroon namang mahigit 10,000 oportunidad mula sa sektor ng Business Process Outsourcing ( BPO ) sa bansa gaya ng customer care representatives, technical support staff, frontline specialists, supervisors, trainers at managers.
Patok naman sa logistics sector na kung saan nangangailangan ng maraming tauhan ngayong lockdown dahil sa dami ng delivery applications para sa pagkain at pangangailangan sa bahay.