Mga respondents sa reklamong sedisyon, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ

Itinuloy ng DOJ Special Panel of Prosecutors ang pagdinig sa reklamong Inciting to Sedition laban sa ilang miyembro ng oposisyon na isinasangkot sa tinaguriang Project Sodoma at “Ang Totong Narcolist” videos.

Sa ikalawang araw ng pagdinig, nagsumite ng kontra-salaysay ang ilan sa mga respondents.

Personal na humarap at naghain ng kanilang counter affidavit sina Senador Risa Hontiveros, dating Congressman Erin Tañada, dating SC spokesman Ted Te, dating SolGen Florin Hilbay at paring si Robert Reyes.

Una nang nagsumite ng kanyang kontra salaysay noong nakaraang linggo si Vice – President Leni Robredo kaya hindi na ito dumalo.

Nitong Huwebes naman naghain ng kanilang counter-affidavit sina dating Senador Antonio Trillanes IV, Bam Aquino at Senatorial candidate Samira Gutoc.

Nakapaghain na rin ng kanilang sagot sa reklamo sina dating Education secretary Armin Luistro, Atty. Romulo Macalintal at ilang pari at obispong katoliko.

Sa September 9 naman nakatakdang ihain ni Senador Leila de Lima ang kanyang kontra salaysay.

Pupuntahan si De Lima sa kulungan nito sa PNP custodial center ng mga miyembro ng DOJ panel para panumpaun sa kanyang counter- affidavit.

Sa oras na makumpleto na ang kontra- salaysay ng mga respondents hanggang sa susunod na linggo ay idideklara na ng DOJ na submitted for resolution ang kaso.

Samantala, sinabayan ng kilos protesta ng grupong Tindig Pilipinas ang hearing sa sedition case.


Pero hindi nakalapit sa tapat ng doj ang mga raliyista dahil hinarangan na sila ng mga pulis.

Pansamantala ring isinara sa motorista ang ilang bahagi ng Padre Faura mula sa kanto ng Taft avenue hanggang sa DOJ.

Nanawagan ang grupo na ibasura ng DOJ ang kaso laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *