Mga resulta para sa potensyal na unang bakuna sa chikungunya, positibo

(FILES) View of mosquitoes carrying the Chikungunya virus in a public health laboratory in Acapulco, Guerrero State, Mexico, on April 15, 2015. AFP PHOTO/ PEDRO PARDO (Photo by Pedro PARDO / AFP)

Nakasaad sa isang pag-aaral na nagpakita ng positibong resulta sa isinagawang malaking bagong trial, ang vaccine candidate ng French-Austrian drugmaker na Valneva laban sa chikungunya, isang virus na dala ng mga lamok na nagdudulot ng occational outbreaks sa buong mundo.

Bagama’t ang mga resulta ay pinarangalan bilang magandang balita sa paglaban sa chikungunya, ang pagsubok ay isinagawa sa mga tao sa Estados Unidos kung saan ang virus ay napakabihira, kung saan sinabi ng mga eksperto na kakailanganin ng higit pang pananaliksik.

Sa ngayon ay wala pang available na bakuna o gamot para sa virus, na nagdudulot ng lagnat at minsan ay nakapanghihinang pananakit ng kasu-kasuan, bagama’t bihira itong makamatay.

Ayon sa Valneva, ang kanilang vaccine candidate na tinatawag na VLA1553, ang unang nirepaso ng health authorities matapos nilang mag-apply para maaprubahan sa US at Canada.

Ang bagong randomized, placebo-controlled phase three trial na naglalayong malaman kung gaano kadalas makapagpo-produce ng immune response ang live-attenuated vaccine, na gumagamit ng mahinang anyo ng virus.

Batay sa pag-aaral na inilathala sa The Lancet journal, mula sa isang subgroup ng 266 na katao na tinurukan ng bakuna, 263 o 99 na porsiyento ang naka-develop ng antibodies na maaaring lumipol sa chikungunya virus.

Sa isa namang mas malawak na trial ng 4,100 healthy adults, ang single-shot vaccine ay itinuring na “pangkalahatang ligtas,” na may mga side effect na katulad ng sa iba pang mga bakuna.

Ayon pa sa pag-aaral, dalawa katao lamang ang nagkaroon ng seryosong side effects kaugnay ng bakuna, at kapwa sila gumaling na.

Sinabi ni Martina Schneider, clinical strategy manager ng Valneva at lead author ng pag-aaral, “The results are ‘promising.’ This could be the first chikungunya vaccine available for people living in endemic regions, as well as for travellers to endemic areas or areas at risk for an upcoming outbreak.”


Una nang nagpahayag ng pangamba ang public health experts na ang chikungunya ay maaaring maging potensiyal na pandemic threat sa hinaharap, dahil ang mga lamok na nagpapakalat ng naturang virus ay itinutulak ng climate change sa mga bagong rehiyon.

Sinabi naman ni Kathryn Stephenson, isang infectious disease specialist sa Beth Israel Deaconess Medical Center sa US, “The new study was ‘good news’ for chikungunya virus pandemic preparedness. However the vaccine might be less effective in areas with a built-up immunity to chikungunya, which can happen with such live-attenuated shots.”

Ayon sa World Health Organization (WHO), simula nang unang matukoy ang chikungunya sa Tanzania noong 1952, ay naitala na ito sa higit sa 110 mga bansa.

Ang paminsan-minsan ngunit malulubhang outbreaks ay nararanasan sa Africa, Asia at Americas.

Pahayag ng Valneva, maaaring sa katapusan ng Agosto ay pagpasyahan na ng US Food and Drug Administration ang tungkol sa pag-apruba sa bakuna.

Sinusubok din ng kompanya ang bakuna sa mga kabataan sa mga lugar sa Brazil kung saan endemic ang virus.

Sinabi ni Stephenson, na ang Brazilian trial at dagdag pang pananaliksik na ginawa sa panahon ng aktuwal na outbreaks ng chikungunya, ay “mahalaga” upang ma-establish ang pagiging mabisa ng bakuna.

Sumasailalim din sa phase three trials ang isang chikungunya vaccine candidate na ginawa naman ng Bavarian Nordic ng Denmark.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *