Mga sakit, maaaring makuha rin sa pagsusunog ng mga electronic at appliances products ayon sa mga eksperto
Mga e-waste, ito ang tawag sa mga sinusunog na electronic at appliances products.
Ayon sa mga pag aaral, malaking suliranin sa kalusugan ang pagsusunog ng tinatawag na e- waste.
Maaari umanong maging sanhi ito ng infertility, sakit sa baga, sakit sa atay, kidney damage, mental health problems at maraming iba pang sakit na laganap sa kasalukuyan.
Sa proseso ng pagsusunog, maaaring malanghap ang mga toxic mula sa gold, silver, palladium, copper at acid.
Nadadala ito ng hangin kaya kahit malayo ang tao sa ginagawang pagsusunog ay maaari itong malanghap.
sa panahong ito, napakaraming ibat’ibang uri ng electronic at appliances ang naglipana kaya payo ng mga ekperto, bagaman, lahat tayo ay nakararanas ng satisfaction sa paggamit ng anumang electronic at appliances products, maging responsable din tayo na kung ang mga nabanggit ay masira na,huwag lang basta ito itapon, o itambak o sunugi mas mainam kung ang mga ito ay i-recycle o i-reuse.
Ulat ni:Anabelle Surara