Mga sakit na maaaring makuha sa “Third hand smoke”, ayon sa eksperto

 

Kung may passive smokers o tinatawag na “second hand smoke” na pumipinsala rin sa kalusugan ng tao, dahil sa pagkalahangap ng usok ng sigarilyo mula sa taong naninigarilyo, ngayon, meron na ring tinatawag na “Third hand smoke”.

Ayon sa mga eksperto, lalo na sa panig ng mga Pulmonologist, marami ang hindi nakaaalam ng “Third hand smoke”.

Ito yung  nakukuha mula sa kumakapit na latak ng sigarilyo na hindi nakikita sa paligid.

Paliwanag ng  eksperto, may epekto pa rin ang abo at usok ng sigarilyo kapag kumakapit ito sa ibang tao.

Halimbawa,  kapag ang tatay o sinumang miyembro ng pamilya ay nanigarilyo, kapag umuwi siya ng bahay at nalanghap ito ng sinuman na nasa loob ng bahay, maaari nang maging sanhi ito ng sakit.

Kabilang umano sa mga sakit na maaaring makuha ay Allergic Rhinitis, at hika o asthma, na nakukuha rin ng mga first-hand at second-hand smokers.

Pagbibigay diin pa ng eksperto, hindi daw madaling matanggal ang latak ng sigarilyo  kaya dapat na  linising mabuti  maigi ang mga kasangkapang kinakapitan ng usok ng sigarilyo  upang matiyak  na  wala ang third-hand smoke sa bahay.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *