Mga sanggol na ipinapanganak na may Thalassemia, dumarami, ayon sa DOH

blood

Courtesy of Wikipedia.org

Isang uri ng sakit sa dugo o anemia  ang Thalassemia.

Ayon sa DOH,  dumarami ang mga sanggol na ipinapanganak na may Thalassemia.

Ang ganitong uri ng sakit ay hindi makakuha ng sapat na oxygen ang dugo at mga bahagi ng katawan tulad ng puso at baga.

Ang nasabing sakit ay namamana at ang mga batang may Thalassemia  ay ipinanganak na taglay na ang sakit,  sila  ay may marurupok na red blood cells.

Wala itong kaibahan sa mga batang ipinanganak na maliit o matangkad.

Naililigtas o nakaka survive ang mga batang may thalassemia dahil sa ginagawang blood  letting activity  taon taon ng ibat’ibang uri ng organization na nag do donate ng dugo para sa mga batang may thalassemia.

bukod dito, nakatatanggap din ng supply ng dugo ang mga Thalassemic patients  mula sa DOH.

Pagbibigay diin ng DOH hindi nakahahawa ang Thalassemia na tulad  ng sipon o lagnat.

Hindi rin ito naisasalin sa pamamagitan  ng  pag ubo, pagbahing, pakikisalo  sa pagkain o paggamit ng baso, kutsara o tinidor ng taong may thallasemia.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *