Mga sangkap at aparato sa paggawa ng shabu, nasabat sa isang abandonadong van sa Pasig City

Isang nakaparadang van na pinagtataguan ng mga aparato at sangkap sa paggawa ng shabu ang nadiskubre ng pulisya sa isang parking lot sa Pasig City kagabi.

Nadiskubre ang mga kontrabando matapos magsagawa ng isang buy bust operation laban sa dalawang drug suspect sa dalawang lugar sa Caloocan at Pasig city.

Ikinasa ng Northern at Eastern Police district ang operasyon matapos madiskubre ang iligal na gawain ng mga suspect.

Ayon kay National Capital Regional Police office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar, 19 na araw nang nakaparada ang nasabing sasakyan sa parking lot.

Isang korean nationalang naaresto sa nasabing operasyon na kinilalang si Jeong Hee Kim at ang isa pa nitong kasama na si Marvin Yu.

Mariin namang tumanggi ang mga suspect na kanila ang mga kontrabando.

Ilan sa mga nasabat ang mahigit 500 gramo ng shabu, mga container ng processed shabu, at mga sako sakong iba pang sangkap at kemical maging ang mga aparato na ginagamit sa produksyon ng shabu.

Sa kabuaan, aabot sa higit apat na bilyong piso lahat ng sangkap kasama na din ang mga shabu na nakatakda pa sanang iproseso ang nasabat ng mga pulis.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *