Mga saradong kalsada sa Davao City simula Jan. 11 hanggang Jan. 13, kaugnay ng National Rally for Peace
Photo: Davao City Gov’t FB
Inanunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Davao, na isinara nila ang ilang mga kalsada kaugnay ng gaganaping National Rally for Peace, bukas, Enero 13.
Ang pagsasara ng mga kalsada na nagsimula kahapon, Sabado, Enero 11 at mananatili hanggang bukas, Lunes, Enero 13 ay nakabatay sa Resolution No. 04020-25 Ordinance No. 0735-25.
Narito ang mga araw at oras ng schedule ng pagsasara ng mga kalsada.
Simula alas-9:00 ng gabi noong Sabado (Jan. 11) hanggang ala-7:59 ng umaga ng Lunes (Jan. 13) ay magpapatupad ng partial closure sa sumusunod na mga lugar:
San Pedro
C.M. Recto
C. Bangoy
Inigo
Pelayo
Bolton
Rizal
Simula naman alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi bukas, Lunes, Jan. 13 ay magpapatupad na ng full closure sa sumusunod na mga lugar:
San Pedro
C.M. Recto
C. Bangoy
Inigo
Pelayo
Bolton
Rizal
Illustre
Bonifacio
Palma Gil
Samantala, simula naman alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi ng Enero 13, ay magpapatupad ng partial closure sa Coastal Road mula Bago Aplaya Entrance hanggang sa Tulip Drive Exit.