Mga sari sari sari store at sugar farmers posibleng maapektuhan kapag inaprubahan ang excise tax sa sweet beverages products

sari sari

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Tutol ang ilang Senador sa inaprubahang panukala ng Kamara na patawan ng excise tax ang sweet beverages products gaya ng sofdrinks, instant coffee at mga energy o carnonated drinks.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, iginiit ni  Senador Juan Miguel Zubiri na  tiyak na tatamaan ang mga magsasaka at kabuhayan ng mga nasa sugar industry.

Tiyak nabababa ang demand ng mga produktong may asukal kaya hindi malayong malugi ang mga magsasaka.

Hindi rin pabor ang Department of Trade and Industry dahil pangunahing tatamaan ang mga small and medium enterprises o mga sari-sari store.

Ang produktong may asukal ang karaniwang ibinebenta sa mga sari-sari store gaya ng kape, fruit juice at softdrinks.

Paliwanag ng DTI,  kung ang presyo ng 3-1 coffee sa sari-sari store ay dating limang piso, magiging 8 pesos na batay sa panukala ng Kamara.

Sa halip na excise tax, dapat buwisan na lamang ang mga produkto batay sa kanilang sugar content.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *