Mga Senador at Kongresista , back to work
Matapos ang kampanya at Eleksyon, back to work na ngayong araw ang mga Senador at Kongresista.
Alas diez kaninang umaga nagbukas ang sesyon ng Senado para talakayin ang mga nakapending na panukala na kabilang sa priority bills ng administrasyon.
Ngayong araw rin pagtitibayin ang resolusyon para sa pagdaraos ng joint session ng kamara at senado para sa pagbilang ng boto sa pagka pangulo at pangalawang pangulo bilang National Board of Canvassers.
Kahapon nagsagawa na ng dryrun ang Senado at Kamara para sa joint session sa martes.
Dumalo sa joint session sina Senate president Vicente Sotto at House Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa panig ng Senado habang sa Kamara ay sina Speaker Lord Alan Velasco at Majority Leader Martin Romualdez.
Ayon kay Zubiri mamadaliin nila ang proseso at posibleng maiproklama na sina presumptive President Bongbong Marcos at presumptive Vice president Sara Duterte sa miyerkules.
Meanne Corvera