Mga Senador binatikos ang ilang kumpanya ng langis dahil sa panibagong oil price hike
Binatikos ng mga Senador ang ilang kumpanya ng langis sa panibagong pagtataas ng presyo ng krudo.
Kinuwestyon ni Senate president Vicente Sotto bakit itinaas ang presyo pati ang mga nakaimbak na krudo.
Ayon kay Sotto ang oil companies ay may imbak para sa tatlumpung araw na suplay pero kasamang itinaas ang presyo nang magtaas sa World market.
Binalaan naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga nagsasamantalang negosyante kasama na ang mga nagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin dahil sa oil price increase.
Sa ilalim aniya ng Section 15 ng Price act maaring makulong ng hanggang labinlimang taon at multang dalawang milyong piso ang sinumang mapapatunayang nagmanipula sa presyo ng prime commodity.
Hinimok nito ang publiko na maging mapagmatyag at ireport sa DTI ang mga nagsasamantala sa sitwasyon.
Meanne Corvera