Mga Senador bukas sa joint exploration sa West Philippine Sea pero kailangang paaprubahan sa Senado ang kasunduan

Bukas ang Senado sa panukalang magsagawa ng joint exploration ang Pilipinas at China sa West Philippine sea.

Kung matutuloy ayon sa Malacañang, 60 percent ang mapupunta sa Pilipinas habang 40 percent sa China sa anumang resources na makukuha sa isla.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito na ang pinaka-praktikal na paraan dahil nakabatay ito sa itinatakda ng Konstitusyon.

Mayaman aniya ang West Philippine sea sa langis at natural gas at makakatulong ito para i-angat ang buhay ng mga Pilipino.

Senador Lacson:

“More than acceptable as the 60-40 ratio complies with the requirements of the Philippine Constitution on foreign investment. It is practical and sensible to enter into a joint exploration with China”.

Wala ring nakikitang masama si Senator Joel Villanueva sa planong joint exploration

Pero kailangan aniyang isumite muna ng Department of Energy ang detalye ng kontrata sa Kongreso.

Senador Villanueva:

“I just want to make sure that any agreement entered into with China is purely for a beneficial bilateral business transaction and will not be used to compromise our economic and political sovereignty”.

Pero ang oposisyon, mahigpit aniya ang gagawing pagbabantay sakaling matuloy ang Joint exploration.

Iginiit ni Senador Bam Aquino na kailangan ring magkaroon muna ito ng tratado na kailangang aprubahan ng Senado.

Senador Bam Aquino:

“Sa mga joint exploration, kailangan ng treaty. Ang pinakamahalaga ay matuloy na ang committee on foreign affairs hearing sa Monday. Dapat this week yan, napostpone po sya. Kailangang matuloy yan para malaman natin sa iba’t ibang mga larangan kung ano ba talaga yung mga deals natin sa China? Ano ba ang mga deals natin pagdating sa teritoryo? Ano ang deals natin sa ekonomiya? Ano ba ang deals natin sa exploration? Hindi malinaw at hindi transparent. Kailangan maging malinaw yan sa Senado at kaming mga senador at taongbayan ang maghuhusga kung itong deals natin sa kanila ay lamang tayo o dehado tayo dito”.

Para naman kay Senador Risa Hontiveros, labag sa ruling ng Arbitral Tribunal ang desisyon na pumasok sa anumang kasunduan sa China.

Mistula kasing isinusuko ng Pilipinas ang karapatan at soberensya nito sa isla na nauna nang inaprubahan ng Permanent Court of Arbitration.

Aniya, napapanahon na para magsagawa ng Foreign Policy audit para malaman kung nagagarantyahan pa ang soberenya at interes ng pilipinas sa mga pinapasok na kasunduan.

Senador Risa:

“This is precisely the reason why I am calling for a foreign policy audit, to determine if the government’s foreign policy thrust and direction are still compatible with our sovereignty and security interests, and whether or not they are still in compliance with our international obligations, particularly the arbitral ruling on the West Philippine Sea”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *