Mga Senador, dismayado sa ginawang pag-veto ng Pangulo sa Security of Tenure Bill…Malacañang, nais pagpapaliwanagin kung bakit isinama pa ito priority agenda
Dismayado ang mga Senador sa ginawang pag-veto ni Pangulong Duterte
sa Security of Tenure bill na magbabawal sa kontraktwalisasyon o End
of Contract.
Kinukwestyon ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri ang hakbang
ng palasyo dahil idineklara ito ng Malacañang na priority measure.
Nakakalungot aniya dahil prinessure ng Malacañang ang Senado para
akysunan ang panukala matapos itong pagtibayin noon ng Kamara.
Nais ni Zubiri na klaruhin ang isyu at ipatawag ang mga opisyal ng
Malacañang para ipaliwanag sa mga mambabatas ang aksyon ng Pangulo dahil lumilitaw na ang Certification ng palasyo ay hindi pala
nangangahulugan na hindi na ito priority.
Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto na natanggap na nila ang
veto message mula sa palasyo,
Nanlulumo ang Senador na nauwi lang ito sa pag-veto dahil
pinag-aksayahan ito ng panahon at resources ng gobyerno pero ganito
umano ang demokrasya.
Nanghihinayang naman si Senate minority leader Franklin Drilon dahil
ang anti-endo bill ay mahigit dalawang dekada nang hinihintay ng mga
manggagawa.
Iginiit ni Drilon na ang ipinasang batas ng Senado ay hindi naman
pabor at proteksyon lang sa mga mangagawa kundi para ma-stabilize ang
mga negosyo.
Si Senador Joel Villanueva na isa sa naghain ng panukala at nag-depensa
sa plenaryo, handa aniya syang muli itong isulong ngayong 18th congress.
Pero nakakalungkot aniya dahi back to square one na naman ang Pangulo.
Sabi pa ni Villanueva, bilang mga piniuno ng pamahalaan, umaasa syang
maninindigan ang Pangulo daiil bahagi ito ng kaniyang campaign promise.
Malinaw aniya na mas matimbang ang mga makapangyarihan at nanghaharing uri gaya ng mayayamang negosyante.
Nanindigan si Villanueva na hindi lang pabor sa mga mangagawa ang
inaprubahang panukala ng kongreso dahil may inilagay rin silang
proteksyon para sa mga nag-nenegosyo.
Ulat ni Meanne Corvera