Mga Senador dismayado sa pagkaka veto ng Bulacan Ecozone, desididong isulong muli ngayong 19th Congress
Nadismaya ang mga Senador sa ginawang pag veto ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukalang lilikha ng Bulacan Ecozone.
Ayon kay Senador Imee Marcos, naiintindihan niya ang desisyon ng Pangulo pero babala niya maaring magresulta ito ng pagkadismaya ng mga foreign investor.
Si Senador Imee ang Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs ang nagdepensa at isa sa mga nagsulong ng House bill 7575 o ang Bulacan Airport city Special Economic Zone and Freeport Act.
Nanghihinayang ang Senador dahil sa pamamagitan sana ng batas, lilikha ito ng mas maraming trabaho sa Central Luzon kabilang na ang Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva ecija.
Hinimok ng Senador ang liderato ng Senado at ehekutibo na magdayalogo para malaman kung magpapatuloy ang patakaran para sa paglikha ng mga Ecozone na hindi naman aniya ipinagbabawal sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax incentives for enterprise o CREATE Law.
Tiniyak naman ni Senador Joel Villanueva na muli niyang ihahain ang panukala ngayong 19th Congress.
Sinabi ni Incoming Senate president Juan Miguel Zubiri nauunawaan nila ang desisyon ng Pangulo na batay lang sa rekomendasyon ng Department of Finance.
Pero giit ng Senador, ang pagbibigay ng Fiscal Incentives o Tax Break ay naayon naman sa CREATE law at may regulatory power ng fiscal incentives review board.
Meanne Corvera