Mga Senador duda sa inaprubahang resolusyon sa Kamara na nananawagan para sa pagdaraos ng hybrid constitutional convention

Duda ang mga Senador sa tunay na pakay ng inaprubahang resolusyon sa Kamara na nananawagan para sa pagdaraos ng hybrid constitutional convention para amyendahan ang saligang batas.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri kung talagang ang pakay ng mga Kongresista ay palaguin ang ekonomiya, may batas na para makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan na pumasok sa bansa.

Ilan rito ang Public Services Act, Trade Liberalization Foreign Investment Law na nagpapahintulot ng 100 percent foreign ownership sa mga micro small and medium enterprises.

Bukod rito hindi kasama ang ChaCha sa priority measure ng Marcos administration.

Kinalampag naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Executive Department na ilabas na ang mga Implementing Rules and Regulations ng mga inaprubahang batas.

Para sa Senador, kailangan munang makita ang epekto ng mga batas na ito bago muling magpasa ng anumang economic measure.

Pero nlinaw ng mga Senador na hindi nila hinaharang ang Committee on Constitutional Amendments sa pagdaraos ng pagdinig ng ChaCha.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *