Mga Senador ginisa ang DPWH sa pagdinig sa Senado
Nabunyag sa pagdinig ng Senado ang doble-dobleng entry o pondo para sa konstruksyon ng mga kalsada at tulay sa ilalim ng Department of Public Works and Highways na pinangangambahang mauwi sa korapsyon
Sa budget hearing para sa hinihinging pondo ng DPWH para sa 2024, pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino koko Pimentel ang double entry para sa pagpapagawa ng Junction sa Davao City diversion road na nagkakahalaga ng 60 at 105 million pesos.
Bukod pa rito ang Basey Road sa Eastern Samar na may tatlo namang entry mula 58 million, 90 million at tumaas pa ng hanggang 200 million.
“Hindi kayo gumawa nito baka congress pa ang may NEP sometimes Executive Branch sometimes congress taga execute lang kayo comfronted in GAA definitely the same projects 3 aproprioations the amount swing 58-to 200m what will you do.” galit na pahayag ni Senador Koko Pimentel.
Doble rin ang pondo para sa kontruskyon ng Dampalit River Wall sa malabon at iba pang protekto sa Quezon City
“Kasi sa malabon there are 3 separate line item Dampalit Muzon Riverwall.. Ang daming pare-pareho in Quezon City identical flood control Batasan Hills along Marikina River.” Pahayag naman ni Senador Grace Poe.
Pag-amin naman ng DPWH, sa 2023 budget, umabot sa 4.4 billion ang nakita nilang may dobleng pondo sa mga road construction projects pero ipinaubaya nila sa Deparment of Budget and Management o DBM ang pagpapasya hinggil dito.
Bina-validate naman aniya ng DPWH bago aprubahan ang mga proyekto katunayan, aabot lang sa 2.8 billion ang inilabas na pondo para sa double funding projects ng DBM
“Sometimes wala pa ho yung hindi pa vetted out sa field gets multiple entry.” Sagot naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan
Bukod sa multiple entry, pinuna ng mga senador ang pagsira sa mga kalsada na halos kagagawa lang samantalang ang mga bako bakong lansangan iniiwang nakatiwangwang
“Kalsada na buo pa sinira para ayusin sa iba sirang-sira bakit hindi hindi inaayos? Sayang ang pera ng gobyerno hindi pa sira binubungkal na sira hindi inaayos sana maiwasan ang ganoon.” pahayag ni Senador Ronald dela Rosa
Sagot ng kalihim, preventive maintenance daw ang ginagawa para agapan ang mas malaking pinsala.
Pati ang mga nakatayong poste sa gitna ng kalsada pinuna ng mga mambabatas.
Pinalawak aniya ng DPWH ang mga kalsada pero hindi tinatanggal ang mga nakaharang na poste ng kuryente sa gitna ng kalsada dahilan na rin ng madalas na aksidente
Depensa ng DPWH mabagal umano ang valuation ng halaga sa paglilipat ng mga poste at madalas walang kakayahan ang mga electric cooperative na ilipat ang mga poste
“Kahit sa pagput-up pa lang ng posts, conditional yung paglipat ng polls whenever there will be widening. But it’s easier said than done. There are intrecacies in valuation and locating electric posts.” paliwanag ni Secretary Bonoan
Ipinagtanggol rin ni dating DPWH Secretary at Senador Mark Villar ang DPWH sa pagsasabing hindi basta basta maaaring tanggalin ang mga poste dahil magkakaroon ng malawakang brownout
“Often times the coops don’t have the means. Hintayin mo lang yun for DPWH because you cannot buldoze it kasi magkakabrown out. the DPWH cannot just move it.” pahayag ni Senador Mark Villar
Pero giit ni Dela Rosa kailangan puwersahin na ng DPWH ang mga coops na gumalaw para i-usog ang mga poste para hindi ito nakaharang sa mga daan.
“Pwersahin ninyo mga coop na kumilos. Sabi ng netizen kung nakakamatay lang mura namin baka may na namatay diyan talagang galit na galit ang mga tao. Mas maganda na pwersahn ninyo” diin pa ni Senador Dela Rosa
Meanne Corvera