Mga Senador hati ang pananaw sa Economic CHA-CHA
Hati ang pananaw ng mga Senador sa panukalang amyendahan ang economic provisions ng saligang batas.
Kung si Senate President Vicente Sotto, ang tatanungin, nakumbinse sya sa pahayag ni Dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna
Nauna nang sinabi ni Azcuna sa pagdinig ng senado na hindi na akma ang restrictive economic provision sa kasalukuyang takbo ng mga negosyo at kailangan na itong amyendahan para maibangon ang patuloy na pagbulusok ng ekonomiya na dulot ng pandemya
Gayunman, sinabi ni Sotto na hindi raw sya ang maaring magdesisyong mag-isa kundi ikokonsulta sa mga kapwa Senador ang lahat ng naiprinsintang opinyon at pag aaral hinggil dito bago gumawa.
Pabor rin Senator Christopher Bong Go na magsagawa ng Charter Change kung lilimitahan ito sa economic provisons
Kailangan aniya ng bansa ang tulong ng mas maraming foreign investors lalo na ngayong negatibo ang gross domestic product ng bansa
Determinado naman si Senator Ronald bato Dela rosa na isulong ang resolusyon nila ni Senador Francis Tolentino na humihiling na magconvene ang senado at kamara bilang constituent assembly para maamiendahan ang ilang economic provision sa konstitusyon ang probisyon ukol sa partylist system
Ayon kay Dela rosa kapag naaprubahan ang resolusyon, uupo silang mga Senador at Kongresista sa joint assembly at hiwalay na magsasagawa ng botohan.
Pero para kay Senator Ralph Recto, marami pang paraan para ibangon ang lugmok na ekonomiya at hindi sa pamamagitan ng CHACHA.
Isa sa Tinukoy nito ang pagpapatibay sa panukalang create na magbibigay ng tax incentives sa mga negosyo na makakahikayat rin ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.
Meanne Corvera