Mga senador hati ang suporta sa utos ni Pangulong Duterte na ipagbawal ang paggamit ng e-cigarettes sa mga pampublikong lugar
Kinontra ni Senador Ralph Recto ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang paggamit ng electronic cigarettes kasama na ang vaping sa mga pampublikong lugar.
Katwiran ni Recto may mga e-cigarettes na hindi delikado sa kalusugan ng publiko.
Babala rin ni Recto maaring makaapekto ito sa isinusulong na Sin Tax bill ng administrasyon na tinatalakay ngayon sa Senado.
Pero depensa ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health, napatunayan na sa pag-aaral ng Department of Health (DOH) na highly addictive ang vape at iba pang e -cigarettes.
Bukod pa dito ang peligrong dulot sa katawan ng tao at iba pang nakakalanghap nito tulad ng heart attack.
Isa si Senador Go sa mga nagsusulong ng panukalang i-regulate ang paggamit ng e-cigarettes gaya ng vape.
Ulat ni Meanne Corvera