Mga Senador hindi nababahala sa banta ni Mocha Uson na ikakampanya ang mga trapong mambabatas
Tama lang ang ginawa ni Mocha Uson na nagbitiw bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.
Para sa mga Senador, mahirap isabay sa pagiging opisyal ng gobyerno ang pagiging blogger dahil nababahiran ng kwestyon ang integridad ng PCOO.
Sen JV Ejercito:
“Palagay ko is a good move on her part kasi sabi ko nga ang hirap magbalanse blogger ka tapos public official ka so of course you will be constrained medyo may konting restriction. Siyempre iba yung, we hold Public officials with higher standards tsaka kumbaga mas controlled ang iyong movement, yung sasabihin mo. So now as a blogger, now that she has resigned, she has more freedom”.
Para naman kay Senador Risa Hontiveros, huli na ang pagbibitiw ni Uson.
Masyado na kasi aniyang nakaladkad sa kahihiyan ang PCOO at ang Malacañang sa mga fake news at incompetence ni Uson.
Hinimok pa ni Hontiveros si PCOO Secretary Martin Andanar na ibalik ang dignidad ng tanggapan at huwag magpakalat ng mga pekeng impormasyon.
Positive move naman para kay Senador Antonio Trillanes ang ginawa ni Uson dahil ito aniya ang isa sa mga distractions sa paglalabas ng tamang mensahe ng Malacañang.
Hindi naman nababahala ang mga Senador sa banta ni Uson na ikakampanya ang mga umano’y trapong mambabatas.
Sen. Trillanes:
“Ang mga nanniniwala sa isang panig ay mangangampanya talaga para manalo ang mga kandidato nila and i don’t see anything wrong with that and in fact mas appropriate na wala na siya ngayon sa gobyerno to do that”.
May kalayaan raw si Uson na batikusin ang sinumang mambabatas at normal na rin sa mga public servants na makatikim ng mga atake.
Ayon naman kay Senador Nancy Binay: “Naku naman sa pinagdaaan ko, ano, parang hindi ba, na-black and blue na nga ako, hindi na nga nawala eh, nag-stary na iyong black. It’s part of the job, iyung babatikusin ka, sisiraan na/cut/bilang isang kandidato, kasama iyon eh, once you enter that arena, you have to be prepared na may maninira sa iyo, may babatikusin ka, lahat ng pamimintas, that’s part of the territory. Whether it’s Mocha or another person, you just have to prepare for that scenario”.
Ulat ni Meanne Corvera