Mga Senador, hinikayat si Pang. Duterte na ipagpatuloy ang laban kontra illegal drugs
Idinepensa ng mga mambabatas ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang kampanya laban sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Senador Manny Pacquiao, bumalik ang operasyon ng mga drug lord at drug dealer sa mga lansangan matapos suspendihin ang Oplan Tokhang ng PNP.
“I agree na kailangan ipagpatuloy ‘yan dahil nakita niyo, nung hininto biglang bumalik ‘yung kalakalan ng droga so ipagpatuloy talaga ‘yan. Hindi pwedeng magrelax-relax”. – Sen. Pacquiao
Iginiit ni Pacquiao na hindi maaring suspindihin ang war on drugs dahil lamang sa ilang abusadong pulis.
Nagsasama sama naman ang mga Local Government official, pribadong indibidwal at mga nasa movie industry para magsagawa ng nationwide campaign at labanan ang iligal na droga.
Sa ilalim ng kanilang programa na tinawag na DADS o Durugin ang Droga at Duterte against Drugs, maglulunsad sila ng ibat ibang sports activities na planong gawin sa ibat-ibang munisipalidad sa buong bansa.
Ito ang kanilang ambag sa pagsisikap ng gobyerno na gawing drug free ang Pilipinas.
Inamin ni Dinky Doo Chairman ng DADS na hindi sapat ang police enforcement para pigilan ang pagkalat ng iligal na droga at importante pa rin ang kooperasyon lalo na ng mga kabataan.
Ulat ni : Mean Corvera