Mga Senador, hiniling na palawigin ang cashless transaction sa mga Tollway
Nanawagan ang mga Senador na palawigin pa ang planong Cashless transaction ng Department of Transportation (DOTr) sa mga Tollway.
Nais ni Senador Nancy Binay na sa halip na ngayong Disyembre, dapat palawigin pa ito hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Wala naman aniyang mawawala kung palalawigin ang deadline para may pagkakataon pa ang mga motorista na makapagpakabit ng RFID.
Katwiran ng Senador, may mga motorista na madalang gumamit ng mga expressway lalu na ang mga galing sa probinsiya.
Apila naman ni Senador Grace Poe, dapat panatilihin pa rin ang cash lanes para sa mga motoristang wala pang RFID.
Gayunman, dapat panatilihin ang health protocols para matiyak na hindi kumalat ang Covid-19 virus.
Meanne Corvera